What I will be 10 years from now ?



Ito ay isang topic sa mga essay na sinagutan ko nung ako'y 3rd year high school pa lamang, di ko maintindihan sa prof ko bakit yun ang kayang naisip ipa - seatwork sa amin siguro excited sya sa kung anu magiging kami sa aming hinaharap o kung meron b talaga kami hinaharap, kung sa bagay english titser kasi s'ya kaya understood na meron talagang mga essay, okey lang sana kung ang topic ng essay eh " What I did Last Summer Vacation" o kaya naman " How do I spend my Christmas vacation " pero this time out the blue bigla na lang niya binigay ang topic na " What I will become 10 years from now " ayun na, hayop! kahit paborito ko ang essay kesa identification at multiple choice na seatwork  pero kung ang topic  tungkol sa future e wala ko ideya, sino ba kami para alamin ang kinabukasan namin? kaya nga napaisip ako ng husto sa kung anu ba talaga gusto ko maging, sandali ko ng isip at sa sandali pa ay wala pa rin pumapasok sa isip ko, madiin ko hinwakan ang ballpen ko na 10 minuto na ang tanging nakasalut pa lamang sa 1 whole sheet intermediate eh ang aking buong pangalan year,date at ang pamagat na nakabold sa dami beses ko inulit ulit ang mga letra.Dahil di ko alam kung paano kung talaga sisimulan ang pag fore-cast ng aking hinaharap yoko naman maging bias sa sarili ko na magiging mayaman ako at mapapangasawa ko ng maganda, kaya sumilip ako sa papel ng katabi ko si vergel na tila nagiisip din ng malalim di ko naalala ang sinulat nia dahil maiksi lang, siguro hindi na siya nagpaligoyligoy sa kanyang kinabukasan, salamat sa kanya at naumpisahan ko na ang akin essay, dahil natutunan ko ang katagang "cheating is learning"  hanggang sa nagsimula nko mag-sulat, sinulat ko lang yung sakto lang sinabi ko lang na magtatapos ako ng kolehiyo makakahanap ng matinong trabho at mag kakaron ng tahimik n buhay yun at kung anu-anu pa.. payak nga lang tinapos ko ang aking essay na katagang maging maligaya.
Pero anu na nga ba kami matapos ang ang sampung taon, kung bibilang 2010 minus 2005 equals 5 year so limang taon na ang nakalipas, galing ko sa math no,  50% pa lang dun sa sinulat ko ay nagawa ko at yung 50% lang siguro talaga dun ay pangarap lang talaga o kathang isip ko lang marami din samin ang nakapagtapos at my trabaho na ang iba naman ay patuloy pa rin sa pag-aaral, meron pa tayong limang taon para tumparin ang ating mga sinulat na nilipas na ng panahon.
At sa mga panahon pa na lilipas alam ko meron tayong mga puwang sa bawat isa di niyo maikakaila yun,meron isang lubid na nagdudugtong na kahit san man tayo mapadpad, ang lubid ang nagbibikis sa atin tanda na tayo ay minsan nagkasama, kalakip nito ang mga pangarap  na atin binuo kahit ang iba ay di na nagkikita ang lubid ang magpapaalala sa atin parati na kahit anu mangyari naging parte kami ng buhay mo at kayo'y nagin parte ng buhay ko. Oo lilipas ang panahon pero ang mga bagay na sinulat natin sa isang kapirasong papel noon ay nagsilbing gabay sa atin at sa kung anu man ang dalhin ng hinaharap ngayun bukas kamay ko tatanggapin, sapagkat parati tayo nakatingin higit pa sa kung anu kaya na natin maabot, na kung iisipn mo ay magagawa mo, tulad ng isang essay nagtatapos lahat sa isang tuldok.Sinulat ko to bilang tanda na hindi ko kayo nakalimutan at sa tagalog dahil medyo mahirap i-ingles ang aking galak. Hanggang sa muli...



4 Post Commet:

Anonymous said...

POST YOUR VIOLENT REACTIONS HERE!

Anonymous said...

deym!

den said...

kakatats naman jeerow... if only i could turn back time.... -den

jeerow said...

nice one...!!

Post a Comment

Angelo Usman. Powered by Blogger.

Total Pageviews

Followers

Blog Archive

Personal - Top Blogs Philippines