A8 Series – ALINLANGAN
Unang kapitulo I : Alamat
“Ano ba Moni? San mo na ba kami dinala?” Ang paulit-ulit kong tanong dahil sa haba ng aming nilakad mula sa bayan.
“Putek! Saglit na lang!” Ang tugon naman niya. Ano nga bang dahilan at nandito kami’t naglalakad sa kabundukan?
“Dun nga sa probinsya namin. Kaso malayo yun dun sa bahay kung saan talaga kami naktira. Ang sabi kasi sa’kin mga aswang daw yung ninuno namin kaya malayo kami sa bayan.” Ang aya ni Moni. Malapit na kasi kami magbakasyon at naghahanap kami ng pwedeng pagpalipasan ng araw habang wala pang klase.
Patungo na kami sa Ika-apat na taon sa kolehiyo at naisipan naming gawing kakaiba ang aming bakasyon ngayon dahil sa susunod na taon ay magtatapos na kami at baka maisipan na ng iba na maghanap kaagad ng trabaho.
“Maganda ba dun?” Tanong ni Sharlene.
“Hindi ko nga alam, eh.” Sagot ni Moni.
“Ngeek! Ano naman bang meron dun?” Muling tanong ni Sharlene.
“Wala masyado. Pero ang sabi kasi sa’kin nag-iisang bahay lang daw yun sa kabundukan.”
“Puro bundok lang makikita natin dun. Naman Moni! Mamumundok tayo?” Pagkontra ni Wendel.
“Moni sa tanda mong yan naniniwala ka pa sa aswang?” Singit ni Jay.
“Eh, halata naman, eh. Yan o, zombie na nga siya, eh.” Dugtong pa ni Wendel.
“Try lang natin. Malay mo may aswang nga dun.” Muling aya sa amin ni Moni.
“O sige Moni, pag walang aswang dun bayaran mo pamasahe namin!” Ang hamon ko sa kanya.
“Wag kang sumama, ha?” Ang tangi niyang naisagot sa’kin. Nagtawanan na lang kami.
*Kasalukuyan*
“Uy Moni! Baka nililigaw mo na kami. Sigurado ka bang dito ang daan?” Ang reklamo ni Arvi.
“Ang sabi dito daw yung daan, eh.” Sagot ni Moni.
“Nangangayayat na ko Moni!” Pabirong sabi ni Alvin.
“Wag nga muna kayong magreklamo! Magtatagal tayo nito lalo, eh.” Sagot ni Moni sa kanila.
Patuloy kaming naglakad ng halos dalawang oras mula sa bayan ngunit wala man lamang kaming makitang bahay. Napadpad kami sa malapit sa ilog at gusto ko na sanang magpahinga kaya sinenyasan ko na si Kiko na patigilin muna si Moni sa paglalakad.
“Moni pahinga muna tayo. Napapagod na kami.” Reklamo ni Kiko.
“Sige, sige. Dito muna tayo.” Sagot naman nito.
Sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay may natanaw akong bahay. Medyo may kalayuan ngunit kita sa aming kinatatayuan.
“Ayun na ata yung bahay, eh.” Ang sabi ko sa kanila. Dali-daling naglapitan ang iba para matingnan ang bahay. Naisipan muna naming kumain bago tumuloy sa paglalakad.
Ilang sandali pa ay narating din namin ang bahay. May kalumaan na ang itsura. Parang noong panahon pa ng mga kastila ang istraktura ngunit kung titingnan ay matibay at mukhang bago pa. Sinubukan kong silipin ang loob nito ngunit gawa sa tabla ang harang sa bintana.
“Susi? May susi ka ba dyan?” Tanong ni Jay.
“Wala” Sagot ni Moni.
“Wala nga daw nakatira dyan. Baka bukas yung pinto.” Paliwanag ni Moni. Sa Maka-isang libong pagka-maling hinala ni Moni ngayon lang siya tumama.
“O yan! Bukas nga guys!” Ang sabi niya sa’min. Double door ang pinto kaya’t binuksan niyang pareho upang makita naming lahat ang loob ng bahay.
Lumantad sa amin ang isang napakalinis at mukhang bagong ayos nito. Nakakakilabot dahil ito ang huling maiisip ko sa isang bahay na pinaniniwalaang walang nakatira. Mayroon itong dalawang palapag at meron ding veranda sa may likuran. Sa harap na bintana mula sa ikalawang ay makikita ang ilog na aming pinanggalingan.
“P’re, p’re, p’re!” Tawag ni Jay sa’ming dalawa ni Kiko.
“Wala na kaya talagang tao dito? May mga alagang hayop kasi dun banda sa may puno ng mangga, eh.” Pabulong n’yang banggit sa min.
“Dun nga sa labas may mga nakaimbak na tubig, eh. Malinis pa. Parang bagong igib lang.” Dugtong ni Kiko.
“P’re,p’re,p’re may aswang nga kaya dito?” Tanong ni Jay.
“Wala! Aswang? Baka may mga nakatira pa dito kamo.” Pagkontra ni Kiko.
“Mamaya makasuhan pa tayo ng trespassing.” Dugtong pa ulit ni Kiko.
“O bakit?” Biglang singit sa’min ni Moni.
“Moni, p’re. Wala ba talagang nakatira dito? Baka naman makulong tayo sa pagpasok na lang dito ng basta basta” Sabi ni Jay.
“Wala nga. Sinabi nga sa’tin na walang tao dito, eh.” Paliwanag ni Moni.
“Pano kung may tao? Anong sasabihin natin?” Tanong ni Kiko.
“Ako nang bahala dun. Tara ligo na lang tayo dun sa ilog kanina.” Aya nya sa’min sabay alis.
“Ano p’re? Desisyon?” Tanong ni Jay sa’min.
“Siya na daw bahala, eh. Hayaan na lang muna natin.” Sabi ni Kiko na may tanong di pagsang-ayon sa sinabi at bumuba na kasama si Jay. Sakto namang akyat ni Sharlene at parang namomroblema sa pagtetext.
“Jeerow! Peram naman cellphone. Wala akong signal, eh.” Ang pakiusap niya. Inabot ko na lang ang cellphone ko.
“Ay! Wala din!” Ang sambit niya na may may halong inis.
“Pa’no kaya ako makaka-contact sa’min? O, thanks!” Sabi niya sabay abot ng cellphone ko.
Hahayaan ko na lang munang lumipas ang araw na ‘to. Baka bukas ay masagot na ang mga pag-aalinlangan namin.
To be continue... - Moni Wind
Monday, January 24, 2011
|
|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Angelo Usman. Powered by Blogger.
2 Post Commet:
haha astig.... tama lang na hndi pa tapos kasi mas maganda kung tlgang suspense... hahahaha
oi dapat ung character ko dito may makikilala akong Diwata para mapangasawa at dadalhin ako sa kaharian nila para maging hari. dapat ganun ung lumabas sa susunod na kabanata.
Post a Comment