Ikalimang Kapitulo : Abang V


Did you missed the early Chapters of Monilla's Epic Novel? Click the chapter below..

Ikalimang Kapitulo : Abang V


Ang layo na ng natakbo namin pagkatapos kaming sugurin ng tikblang. Hindi ko na alam kung san na ba kami napadpad.
"Sha, wala na 'ata siya." Bulong sa 'kin ni Ramon. Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo upang masilip kung wala na ngang humahabol sa'min.

"Wala na. Tara dahan-dahan lang tayo." Bulong ko sa kanila. Nakasama ko sina Angel, Erna, Jason, Job, Luz, Migz, Ramon, Seaniel, TJ at Ybay. Naghawak-hawak kasi yung mga babae. Sina Job, Migz at Ybay napasunod lang siguro.

Mabagal ang lakad namin. Miski naman kasi gusto kong tumakbo nanginginig ang tuhod ko sa kaba.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay may naririnig kaming umiiyak na sanggol. Kinilabutan akong bigla. Hindi ko na din kelangang magdalawang isip pakatapos ng naranasan namin. Siguradong tiyanak ang naririnig namin.

"Shh! Tahimik lang sa paglalakad. Ybay, yuko!" Utos ko sa kanila.

"Nakayuko na 'ko!" Sagot ni Ybay.

"Ay! Sori." Sabi ko at nagtuloy lang kami sa paglalakad. Sinusubukan pa ng iba na hanapin kung nasaan nanggagaling ang iyak lalo na si Seaniel. Maya't maya ang pag-angat ng ulo para tingnan ang paligid.

"Seaniel! Yumuko ka lang." Utos ko sa kanya.

"Eh, mahirap na! Mamaya nasa harapan na pala natin yun." Sagot niya.

"Basta't yumuko ka na lang. Ako naman ang nasa harapan, eh." Paliwanag ko sa kanya.

Maya-maya pa ay medyo humihina na ang pag-iyak. Medyo lumuluwag na ang paghinga ko. Paniguradong malayo na kami sa tiyanak. Nang magtagal ay wala na kaming naririnig. Purong katahimikan na lang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ma-aaning. Hangga't nandito pa kami hindi ako mapapalagay.

Nang lumipas pa ang ilang minuto ay tumayo na ulit kami at nagpatuloy maglakad ngunit ng gawin namin yon ay may bigla na lang kaming narinig na bumubungisngis. Malakas at nakakairita ang ngisi nito. Sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling ang boses nito hanggang sa mapalingon ako sa isa sa mga sanga ng puno.

Kasing laki lang siya ng normal na tao. Ang kakaiba lang kanya ay ang ulo nya na ang tanging nasa mukha nya ay isang malaking mata at bibig. Nakakakilabot ang titig niya sa’min.
"Ba't niya tayo tinititigan?" Tanong ni Erna sa nanginginig na boses. Ilang sandali lang ay may narinig kaming tawa ng isang sanggol.

Pagtingin ko sa harap ko ay may sanggol na gumagapang sa lupa. Mala-anghel ang itsura niya at napakainosente ng mukha nya lalo na at ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag namin. Kung hindi lang siguro namin naranasan ang mga naranasan namin ngayon siguradong na-antig na ang mga puso namin.

Gusto ko na talagang tumakbo pero naparalisa ata ang buong katawan ko sa sobrang takot. Bigla na lang nagbago ang kulay ng mata ng sanggol. Naninilaw ang kulay ng mata nito at nagliliwanag. Nabanat ang buong katawan nito at halos nasa 8 talampakan ang taas. Ang mga braso nito ay halos sumasayad na sa lupa at ang mukha nito ay parang paniki at sobrang haba ng buhok. Tiyanak ba talaga 'to?!

Kahit malaki ang ipinagbago ng katawan niya, ang boses niya na pang sanggol ay hindi pa din nagbabago. Tumatawa ito na kung hindi mo makikita ang kanyang anyo ay mapapaniwala kang isa nga itong sanggol.

Pilit kong iginalaw ang mga paa ko. Kelangan ko na talagang umalis kung hindi yari ako!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" Tili ni Luz. Nang dahil dun ay parang nagsimula na uling dumaaloy ang dugo sa buong katawan ko at napatakbo na ulit kami. Nagsisigawan pa kami habang tumatakbo. Maya-maya pa ay nahihirapan na akong makita ang aking dinadaanan. Medyo masukal kasi ang napuntahan namin. Naririnig ko din ang boses ng tiyanak (o kung ano man yung demonyong yun) at sa tingin ko'y malapit na kami nitong abutan.
Gusto ko mang bilisan pa ang pagtakbo ko, hindi ko na magawa. Sa tingin ko nga ay ito ang unang beses na tumakbo ako ng ganito katulin. Parang matatanggal ang mga hita ko kakatakbo!

"Aray!!" Sigaw ni Ramon. Napatigil akong bigla at nang lumingon ako ay nadapa pala sila at nadaganan ang isa’t isa. Agad akong bumalik para tumulong. Hindi na halos makatayo ng maayos ang mga babae. Siguro ay namamanhid na ang mga hita nila sa kakatakbon at pagkatapos bigla pa silang madadapa.

"Bilis Erna! Pilitin mo!" Ang sabi ko sa kay Erna na tinutulungan kong tumayo. Napaiyak siya ng tahimik lang at umiling. Parang sinasabi niyang hindi na niya kayang lumakad pa.
"Ano ka ba?! Umalis na tayo dito!" Sabi ni Ramon na halos paiyak na ang tono. Pinilit kong itayo ng tuwid si Erna pero nanginginig ang buong katawan niya. Malapit na din sa'min ang tiyanak pero parang hindi pa kami nito napapansin.

"Bilis Haba-"

"Shh!" Pagpipigil sa'kin ni TJ.

"Hindi niya 'ata tayo makita ng maayos." Ang sabi niya.

Nang tingnan ko ngang maigi ay parang nahihirapan nga itong malaman kung nasaan na kami.

"Yung isa sa taas ng puno! Yun ata ung nagtuturo ng daan sa kasama niya!" Bulong ni Ramon.

"Ayon! Andun siya banda." Bulong ko sabay turo sa isa pang aswang na may malaki at nag-iisang mata (cyclops ba xa?). Mukha ngang siya ang nagtuturo sa tiyanak kung nasaan kami dahil palingon-lingon ito sa paligid.

"Bilis! Magtago tayo dun!" Ang sabi ko at binitbit namin si Erna, Luz at Angel malapit sa puno para magtago.

"Problema natin yung cyclops dun sa puno. Sa laki ng mata nun siguradong kita agad tayo nu'n." Sabi ni Ramon.

"Hindi din naman tayo makakalapit kasi malapit lang din sa kanya yung isa pang aswang." Sabi ni Luz.

"Uy, Erna. Kaya mo nang gumalaw?" Pangangamusta ni Seaniel.

"Ok na naman ako." Tugon ni Erna habang humihikbi ito.

"Sige... Sha, bantayan n'yo si Erna. Kami nang bahala dito." Sabi ni Seaniel. Lumapit siya kina Job, Migz at Ybay nagdiskusyon sila. Mukhang may konting alitan pa sa pag-uusap nila. Pero hindi din nagtagal ay napapayag din niya ang mga ito.

"Dito lang kayo. Wag kayong maghihiwa-hiwalay, Ok?" Utos sa'min ni Migz.

Umalis si Seaniel habang parang may hinahanap namang kung ano yung tatlo.

"Ano bang gagawin n'yo? At san pupunta yung si Seaniel?" Tanong ko sa kanila.
"Basta't humanda na lang kayong tumakbo kung saka-sakali." Sabi ni Job at dumistansiya sila ng kaunti.

"HOOOOOOYYYY!!! DITO!!! NANDITO AKO!!!" Sigaw ni Seaniel. Anong ginagawa niya?! Ba't niya tinatawag ang mga aswang? Kinakabahan ako sa balak niya. Hindi kaya nagparaya na siya para sa'min? Ano bang iniisp niya? Hindi ako mapalagay. Sana lang ay mali ang iniisip ko.

Narinig naming muli ang mga yabag ng tiyanak at ang tawa nitong parang sanggol.
Maya-maya pa ay sumugod ang tatlo at pinagbabato ang cyclops. Hindi ako mapalagay kaya't sinilip ko kung ano ba'ng pinaggagagawa nila. Ang mga sumunod ko nang nakita ay nakatago si Ybay sa isang puno habang pinagbabato ni Job at Migz ang cyclops na ngayon ay nasa lupa na. Si Seaniel at ang tiyanak naman ay hindi ko na makita kung nasaan na.

Nang maiMukhang binibitag ng dalawa ang cyclops papunta kay Ybay. Pagkasugod nito ay tumakbo ang dalawa kung saan banda nag-aabang si Ybay.

"Ybay!" Sigaw ni Job sabay sunggab si Ybay. Hindi ko masyadong makita pero narinig kong napasigaw ang cyclops. Ang sunod ko na lang na nakita ay may nakatarak sa mata (o gitna ng ulo) ng cyclops at bumagsak ito sa lupa.

"Job! Migz! Ybay!" Sigaw ko sa kanila. Sumenyas lang sila na OK na ang lahat. Pero nasan na ba si Seaniel?

"Sha!" Sigaw ni Seaniel sabay sumulpot na lang kung siya sa saan.
"Nasa'n na yung aswang?" Tanong ni Ramon.
"Naligaw na." Sagot nito. Hingal na hingal at puro galos ang braso.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Luz.
"Ito? Wala 'to. Mga galos lang dahil sumagi sa mga sanga ng halaman kanina." Sagot niya.
"Tara na! Niligaw ko lang yung halimaw kanina. Baka balikan tau nun!" Aya niya sa'min.
Nang maitayo na ni Ramon at TJ si Erna ay agad din kaming umalis. Masyadong madilim sa dinadaanan namin dahil napakaraming puno. Hindi ko na halos alam kung sino ba ang katabi ko.
"Malapit na mula dito. Deretso lang ang daan." Sabi ng isa.
"Ah, OK. Deretso lang guys!" Ang sabi ko.

Maya-maya pa ay nakita na namin ang labasan sa gubat na 'to at may tatlong van na din doon.

"Bilis! Malapit na tayo!" Sigaw ni Job. Nagmadali na kami papunta sa mga sasakyan. Bukas ang mga pinto nito at nakalagay na din ang mga susi sa susian.
"Umalis na tayo dito!" Pagmamadali ni Luz.
"Sandali! Hintayin muna natin yung iba." Pagpapapigil sa'min ni Migz. Sang-ayon din naman ako pero mas gusto ko na talagang umalis.
"Hintayin muna natin sila." Ang utos ko sa kanila. Napadilim sa labas at hindi ko na halos makita kung ano man ang nasa likod ng mga puno.
"Sino nga pala sa inyo yung nagsabi sa'kin na dito tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila at walang sumagot.
"Pa'no n'yo nalaman na dito tayo dapat pumunta?" Tanong ko ulit sa kanila. Napatingin sila sa'kin ng may pagtataka.

"Ikaw lang kaya ang sinusundan namin, sha." Sagot ni Seaniel.

"Hindi! May bumulong sa'kin kanina na dumeretso lang daw kaya sumunod na lang ako." Nagkatinginan muli sila at nang walang makasagot ay naglakihan ang mga mata nila.

"Guys, wag naman kayong ganyan. Ganito na nga sitwasyon natin nananakot pa kayo." Sabi ko sa kanila.
"Eh, Ate Sha, wala namang nakakaalam sa'tin kung nasaan na ba tayo, eh. Ngayon lang kaya tayo nakapunta dito." Sagot ni Angel.

Napaisip din ako. Tama nga naman si Angel. Wala naman kaming kaalam-alam sa lugar na 'to. Pero sino yung nagsabi sa'kin na dumeretso lang?

Muli kong nilingon ang bintana at sinubukang may makita kahit aninag ng kahit na sino o kahit na ano. Kamusta na kaya ang iba?

Ika-apat na Kapitulo: Alitan IV

Did you missed the early Chapters of Monilla's Epic Novel? Click the chapter below..



Ika-apat na Kapitulo: Alitan IV

                Dali-dali kaming nagtakbukan kung saan-saan. Hindi ko alam kung sinu-sino ang mga nakasama ko at kung saan man ako madala ng mga paa ko. Basta’t ang alam ko lang ay kailangan kong tumakbo kung gusto ko pang lumawig ang aking buhay!
                Hindi ko na marinig ang hiyaw ng tikbalang. Sa dami ng pwede kong maranasan sa bakasyong ito bakit ito pa?! Maya – maya pa ay nakita ko na si Otep pala ang nasa unahan ko. Sumenyas siya na huminto ako at agad naman akong huminto pagkalapit ko sa kanya. Pareho na kaming kapos sa hininga pero parang gusto pa ring tumakbo ng mga paa ko.
                Nakiramdam kami sa paligid at ng mapansing wala nang sumusunod sa amin ay agad kaming lumapit sa mga nakasabay namin sa pagtakbo kung nasaan man kami ngayon. Ang mga nakasama namin ay sina Wendel, Jay, Erg, Jek-jek, Moni at Jeerow. Pare-parehong kapos sa hininga ang bawat isa. Ang iba ay napa-upo na sa lupa dahil na din sa sobrang pagod.
                “Lintik namang bakasyon ‘to!!” Sigaw ni Jay sa sobrang inis.
                “Wag ka ngang maingay! Pa’no kung marinig ka ng mga ‘yon?” Pagsaway sa kanya ni Moni. Agad na tumayo si Jay at kwinelyohan si Moni.
                “IKAW!! ANO BA TALAGANG BALAK MO, HA!? DINALA MO TALAGA KAMI DITO PARA IPAKAIN SA MGA DEMONYONG ‘YON?!” Sigaw ni Jay habang inaangat ang kwelyo ni Moni.
                “EH, SIRA KA PALA, EH!! NI HINDI KO NGA ALAM NA MANGYAYARI ‘TO, EH!!” Sagot ni Moni at pilit na pinapakawalan ang sarili sa pagkakahawak ni Jay.
                “Nagmamaang-maangan ka pa!! Simula pa lang balak mo na talaga kami ipakain sa mga ‘yon!! Pambihira aswang ka din kasi!!” Sigaw ni Jay at ginitgit si Moni sa puno.
                “SIRA!!! Laking Maynila ako!! Wala akong alam tungkol dito! Gamitin mo nga yang utak mo!” Sagot ni Moni. Nagka-initan na ang dalawa at agad na nagsuntukan. Pero dahil na din siguro sa pagod ay nakalalamang si Jay dahil na din sa patpatin si Moni.
                “HOY!! Tigil n’yo na yan!” Sigaw ni Otep sa kanila at pilit na nilalayo si Jay kay Moni. Nang maihiwalay ni Otep si Jay kay Moni ay agad namang gumanti si Moni at nabigwasan si Jay.
                “Tama na! Mga sira ba kayo?! Walang maitutulong yang ginagawa n’yo!” Pagsuway ni Jek-jek at agad na inilayo si Moni kay Jay. Mukhang wala na sa sarili ang dalawa at pilit na nagpupumiglas upang makawala. Lumapit naman si Wendel at binigwasan ng tig-isa ang dalawa. Bagsak sa lupa at halos hindi na makakilos dahil na din siguro sa pagod. Medyo napalakas din ‘ata yung binitawang suntok ni Wendel.
                “Umayos kayo!” Pagsuway ni Wendel sa kanila.
                “Jay itigil mo na yan. Sabay kaming lumaki ni Moni. Ako na nagsasabi sa’yo imposibleng maging aswang yan.” Pagtatanggol ni Erg kay Moni.
                “Kelangan lang nating makaalis dito. ‘Yun lang at wala nang iba.” Mungkahi ni Wendel.
                “Pa’no yung iba?” Tanong ni Moni.
                “Wala tayong magagawa sa kanila.” Ang sagot ni Wendel sa malamig na tono.
                “Sira ka pala, eh. Kaya mong pabayaan ang iba?” Tanong ulit ni Moni. Nilapitan ni Wendel si Moni at binatukan ito.
                “’Wag mo ‘kong papangaralan. Sige nga! Anong magagawa natin kung saka-sakali, ha?” Tanong nito. Napayuko na lang si Moni at tumayo naman si Wendel upang magmatiyag kung may mga aswang pa sa paligid.
                “Umalis na kaagad tayo dito. Mas delikado ‘pag mananatili lang tayo sa isang lugar.” Sabi ni Wendel.
                “Ano? May reklamo ba kayo?” Tanong nito na may tono ng pagbabanta. Walang sumagot sa amin. Pinangunahan na rin niya ang paglalakad at sinundan namin siya.
                “Aray!” Napasigaw ako nang maramdaman kong biglang kumirot ang sugat ko sa binti.
                “Ok ka lang, Alvin?” Tanong ni Otep sa’kin.
                “Oo. Ok pa naman ako.” Ang sagot ko sa kaniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
                Hindi na namin alam kong sa’n kami patungo dahil napakadaming puno at halaman sa paligid. Tanging ang buwan at ang mga bituin lang ang nagsisilbing liwanag sa aming dinaraanan. Napasama pa lalo ng mapunta kami sa lugar kung saan makapal ang hamog.
                “Putek! Wala na ‘kong makita!” Ang sigaw ko dahil napakakapal talaga ng hamog at hindi ko na makita ang dinadaanan ko.
                “Shh! ‘Wag kang maingay. Ipagpalagay mo na din na mahihirapan nila tayong makita dito.” Bulong ni Jay sa’kin.
                “Paniguradong malakas ang mga pang-amoy ng mga ‘yon kaya bale wala din ‘tong hamog na ‘to. Kung hindi tayo makakaalis kaagad dito. Paktay tayo!” Paliwanag ni Jekjek.
                “Bwiset! Umalis na nga lang tayo dito!” Reklamo ni Jay.
                “Ano bang ginagawa natin, ha, Jay?” Tanong ni Jeerow.
                “Oo nga. Sabi ko nga.” Sagot nito.
                “Shh! Narinig niyo ‘yon?” Pagpapatigil ni Moni sa amin. Tumahimik kami upang malaman kung ano bang narinig ni Moni.
                “Wala! Ikaw lang nakakarinig nun pambihira aswang ka kasi, eh.” Reklamo ni Jay.
                “Hindi mo naririnig na gumagalaw ang mga sanga ng puno?” Tanong ni Moni.
                “Naririnig!” Sagot ni Jay.
“Ano naman? Paggalaw lang ng sanga… Natural lang ‘yon.” Dugtong pa niya.
“Gumagalaw ng walang hangin?” Muling tanong ni Moni.
Biglang nanghilakbot ang buong katawan ko ng marinig kong gumagalaw ang mga dahon sa sanga at wala naman kaming maramdamang hanging dumaan. Maya-maya pa ay mas lumalakas ang pagyugyog ng mga sanga.
“Moni… Hindi naman siguro ito yung sinasabi mo sa amin nitong hapon lang, di ba?” Tanong ni Jekjek.
“Hindi naman. Tahimik umatake ang mga pinuno ng mga aswang at biglaan para walang makapansin.” Paliwanag ni Moni.
“Putek! Eh, ano to?!” Tanong ko. Medyo napalakas ang pagkakabanggit ko dahil na din sa sobrang takot.
“Sa tingin ko… Isa itong…” Sabi ni Moni ngunit natigil nang biglang may malaking nilalang na bumagsak mula sa taas ng puno.
“Kapre…” Pagpapatuloy ni Moni. Napakalaki nito lalo na ang mga braso nito na tila maga sa sobrang laki. Dagdag mo pa ang hinihithit nitong napakalaking tabako. Napahinto kaming lahat pati na din ang kapre. Medyo mahaba din ang nangyaring titigan sa pagitan namin at nang kapre na kung papanoorin mo sa telebisyon ay matatawa ka na lang.
“HHHUUUUUUUUUUUAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!” Sigaw nito habang itinataas ang dalawa nitong mga kamay.
“TAKBO!” Sigaw ko na nauuna pang tumakbo sa’aming lahat. Piling ko ay wala nang lupa kung tumakbo ako palayo sa kapre at sa tingin ko’y ganu’n din ang nararamdan ng iba.
Sinusundan kami ng Kapre habang winawasiwas ang mga braso nito. Malalakas at mabibigat ang mga binibitawan nitong mga suntok at siguradong durog ang katawan ng tatamaan nito.
“Liko sa kanan! KANAN!!” Sigaw ni Wendel. Agad kaming naglikuan sa kanan. Matarik pala ang daan dito at hindi ko mapigilang dumaluhong pababa.
“Kaliwa! Kaliwa!” Sigaw ni Otep kaya’t naglikuan ulit kami pakaliwa.
Maya-maya ay may naririnig akong bagay na gumugulong. Sa lakas ng tunog nito siguradong napakalaking bagay nito. Lumapit ako kung saan sila nagtipon at paglingon ko ay nakita kong gumugulong na lang pababa ang kapre. Sa tingin ko’y ligtas na kami pansamantala.
“Hayyyy! Buti na lang.” Sambit ni Jay. Hingal na hingal kami at piling ko ay matatanggal na ang mga hita ko sa kakatakbo.
“Ok na ba?” Tanong ni Jay. Sinilip ni Otep ang lugar kung saan nahulog ang kapre para masiguro kung wala na nga ito.
“TAKBO! TAKBO!” Sigaw nito at nagmamadaling umalis. Sumilip din kami at nakita naming nagmamadaling gumapang pa-akyat ang kapre. Napasigaw kami at dali-daling sinundan si Otep.
Muli na namang nagsimula ang habulan namin. Mas mabilis at mas malalakas na ang mga binibitawang suntok nito at mas nakakatakot na din ang kanyang itsura!
Sa di kalayuan ay may narinig akong parang bumagsak na puno. Hindi ko na ulit alam kung saan kami patungo. Basta’t may lupa TAKBO!
“WHOAH!!!” Sigaw ni Jay at biglang napahinto. Anak naman ng-! Ba’t may bangin dito?!
“Dito! Dito!” Sigaw ni Jeerow. May punong nakatumba sa lugar na tinuturo niya sa’amin. Pwede naming magamit ‘yon sa pagtawid sa kabila. Nung una’y pilingko ay napakadali lamang ng aming gagawin ngunit nung nakatayo na ako sa tapat ng tulay na puno ay parang hindi ko kayang tumawid.
“Ano?! Tawid na kung tatawid kayo!!” Sigaw sa amin ni Wendel. Malapit na sa amin ang kapre at wala na kaming masyadong pagpipilian. Nilakasan ko na din ang aking loob at sumunod kay Jekjek sa pagtawid. Maya-maya pa ay nakatawid na ang halos lahat sa amin liban na lang kina Moni at Wendel.
Del, ikaw na lang ang tumawid. Hindi ko ‘ata kaya.” Sambit ni Moni na napapaiyak na sa takot.
“Punyet-! Tawid na!!” Sigaw ni Wendel. Pero patuloy pa din ang drama ni Moni.
“Moni! Tawid na!!” Sigaw ko sa kaniya.
“Del, kung totoo ang mga aswang dito siguro naman totoo ding may lahi ako ng aswang. Baka kilalanin pa nila ako. Hindi ko talaga kayang tumawid.” Pagmamakaawa ni Moni. Malapit na ang kapre sa kanila kaya’t binitbit ni Wendel si Moni sa baywang.
“TAWID!!!” Sigaw ni Wendel sabay hagis kay Moni papunta sa amin. Hindi ko maipaliwanag kung papa’no pero nagawang maibato ni Wendel si Moni sa amin. Nagmadali na ding tumawid si Wendel ngunit nasa likuran lang niya ang kapre.
“DEEEEELLL!!” Sigaw namin. Biglang lumundag si Wendel mula sa kinaroroonan niya at nagawang umabot sa lupa habang ang kapre ay minalas sapagkat hindi kinaya ng puno ang bigat nito.
Sinigurado pa ni Wendel kung wala nang hahabol sa’min. Sinilip din namin at nakita naming putok ang ulo ng kapre pagtama nito sa mga batuhan sa baba.
“Pweh! Tara na.” Aya ni Wendel at nanguna na naman sa paglalakad.
“Aray!!” Sigaw ko at napansin kong hindi ko na magalaw ang kaliwang paa ko. Kahit madilim, kitang-kita na nagbago ang kulay nito.
“Ok ka lang, Alvin? Ba’t nagkaganyan na yang paa mo?” Tanong ni Erg.
“P’re may lason ‘ata yung sugat mo. Paraan nila para hindi makalayo kung sino mang makatakas sa kanila.” Paliwanag ni Jeerow.
“Tara na. Tulungan na kita.” Aya ni Otep.
Nagpatuloy ako ng paglalakad habang inaakay ni Otep. Sana ay makaalis kami dito ng buhay.


Itutuloy…

Angelo Usman. Powered by Blogger.

Total Pageviews

Followers

Blog Archive

Personal - Top Blogs Philippines