Ikalimang Kapitulo : Abang V
Did you missed the early Chapters of Monilla's Epic Novel? Click the chapter below..
Ang layo na ng natakbo namin pagkatapos kaming sugurin ng tikblang. Hindi ko na alam kung san na ba kami napadpad.
"Sha, wala na 'ata siya." Bulong sa 'kin ni Ramon. Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo upang masilip kung wala na ngang humahabol sa'min.
"Wala na. Tara dahan-dahan lang tayo." Bulong ko sa kanila. Nakasama ko sina Angel, Erna, Jason, Job, Luz, Migz, Ramon, Seaniel, TJ at Ybay. Naghawak-hawak kasi yung mga babae. Sina Job, Migz at Ybay napasunod lang siguro.
Mabagal ang lakad namin. Miski naman kasi gusto kong tumakbo nanginginig ang tuhod ko sa kaba.
Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay may naririnig kaming umiiyak na sanggol. Kinilabutan akong bigla. Hindi ko na din kelangang magdalawang isip pakatapos ng naranasan namin. Siguradong tiyanak ang naririnig namin.
"Shh! Tahimik lang sa paglalakad. Ybay, yuko!" Utos ko sa kanila.
"Nakayuko na 'ko!" Sagot ni Ybay.
"Ay! Sori." Sabi ko at nagtuloy lang kami sa paglalakad. Sinusubukan pa ng iba na hanapin kung nasaan nanggagaling ang iyak lalo na si Seaniel. Maya't maya ang pag-angat ng ulo para tingnan ang paligid.
"Seaniel! Yumuko ka lang." Utos ko sa kanya.
"Eh, mahirap na! Mamaya nasa harapan na pala natin yun." Sagot niya.
"Basta't yumuko ka na lang. Ako naman ang nasa harapan, eh." Paliwanag ko sa kanya.
Maya-maya pa ay medyo humihina na ang pag-iyak. Medyo lumuluwag na ang paghinga ko. Paniguradong malayo na kami sa tiyanak. Nang magtagal ay wala na kaming naririnig. Purong katahimikan na lang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ma-aaning. Hangga't nandito pa kami hindi ako mapapalagay.
Nang lumipas pa ang ilang minuto ay tumayo na ulit kami at nagpatuloy maglakad ngunit ng gawin namin yon ay may bigla na lang kaming narinig na bumubungisngis. Malakas at nakakairita ang ngisi nito. Sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling ang boses nito hanggang sa mapalingon ako sa isa sa mga sanga ng puno.
Kasing laki lang siya ng normal na tao. Ang kakaiba lang kanya ay ang ulo nya na ang tanging nasa mukha nya ay isang malaking mata at bibig. Nakakakilabot ang titig niya sa’min.
"Ba't niya tayo tinititigan?" Tanong ni Erna sa nanginginig na boses. Ilang sandali lang ay may narinig kaming tawa ng isang sanggol.
Pagtingin ko sa harap ko ay may sanggol na gumagapang sa lupa. Mala-anghel ang itsura niya at napakainosente ng mukha nya lalo na at ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag namin. Kung hindi lang siguro namin naranasan ang mga naranasan namin ngayon siguradong na-antig na ang mga puso namin.
Gusto ko na talagang tumakbo pero naparalisa ata ang buong katawan ko sa sobrang takot. Bigla na lang nagbago ang kulay ng mata ng sanggol. Naninilaw ang kulay ng mata nito at nagliliwanag. Nabanat ang buong katawan nito at halos nasa 8 talampakan ang taas. Ang mga braso nito ay halos sumasayad na sa lupa at ang mukha nito ay parang paniki at sobrang haba ng buhok. Tiyanak ba talaga 'to?!
Kahit malaki ang ipinagbago ng katawan niya, ang boses niya na pang sanggol ay hindi pa din nagbabago. Tumatawa ito na kung hindi mo makikita ang kanyang anyo ay mapapaniwala kang isa nga itong sanggol.
Pilit kong iginalaw ang mga paa ko. Kelangan ko na talagang umalis kung hindi yari ako!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" Tili ni Luz. Nang dahil dun ay parang nagsimula na uling dumaaloy ang dugo sa buong katawan ko at napatakbo na ulit kami. Nagsisigawan pa kami habang tumatakbo. Maya-maya pa ay nahihirapan na akong makita ang aking dinadaanan. Medyo masukal kasi ang napuntahan namin. Naririnig ko din ang boses ng tiyanak (o kung ano man yung demonyong yun) at sa tingin ko'y malapit na kami nitong abutan.
Gusto ko mang bilisan pa ang pagtakbo ko, hindi ko na magawa. Sa tingin ko nga ay ito ang unang beses na tumakbo ako ng ganito katulin. Parang matatanggal ang mga hita ko kakatakbo!
"Aray!!" Sigaw ni Ramon. Napatigil akong bigla at nang lumingon ako ay nadapa pala sila at nadaganan ang isa’t isa. Agad akong bumalik para tumulong. Hindi na halos makatayo ng maayos ang mga babae. Siguro ay namamanhid na ang mga hita nila sa kakatakbon at pagkatapos bigla pa silang madadapa.
"Bilis Erna! Pilitin mo!" Ang sabi ko sa kay Erna na tinutulungan kong tumayo. Napaiyak siya ng tahimik lang at umiling. Parang sinasabi niyang hindi na niya kayang lumakad pa.
"Ano ka ba?! Umalis na tayo dito!" Sabi ni Ramon na halos paiyak na ang tono. Pinilit kong itayo ng tuwid si Erna pero nanginginig ang buong katawan niya. Malapit na din sa'min ang tiyanak pero parang hindi pa kami nito napapansin.
"Bilis Haba-"
"Shh!" Pagpipigil sa'kin ni TJ.
"Hindi niya 'ata tayo makita ng maayos." Ang sabi niya.
Nang tingnan ko ngang maigi ay parang nahihirapan nga itong malaman kung nasaan na kami.
"Yung isa sa taas ng puno! Yun ata ung nagtuturo ng daan sa kasama niya!" Bulong ni Ramon.
"Ayon! Andun siya banda." Bulong ko sabay turo sa isa pang aswang na may malaki at nag-iisang mata (cyclops ba xa?). Mukha ngang siya ang nagtuturo sa tiyanak kung nasaan kami dahil palingon-lingon ito sa paligid.
"Bilis! Magtago tayo dun!" Ang sabi ko at binitbit namin si Erna, Luz at Angel malapit sa puno para magtago.
"Problema natin yung cyclops dun sa puno. Sa laki ng mata nun siguradong kita agad tayo nu'n." Sabi ni Ramon.
"Hindi din naman tayo makakalapit kasi malapit lang din sa kanya yung isa pang aswang." Sabi ni Luz.
"Uy, Erna. Kaya mo nang gumalaw?" Pangangamusta ni Seaniel.
"Ok na naman ako." Tugon ni Erna habang humihikbi ito.
"Sige... Sha, bantayan n'yo si Erna. Kami nang bahala dito." Sabi ni Seaniel. Lumapit siya kina Job, Migz at Ybay nagdiskusyon sila. Mukhang may konting alitan pa sa pag-uusap nila. Pero hindi din nagtagal ay napapayag din niya ang mga ito.
"Dito lang kayo. Wag kayong maghihiwa-hiwalay, Ok?" Utos sa'min ni Migz.
Umalis si Seaniel habang parang may hinahanap namang kung ano yung tatlo.
"Ano bang gagawin n'yo? At san pupunta yung si Seaniel?" Tanong ko sa kanila.
"Basta't humanda na lang kayong tumakbo kung saka-sakali." Sabi ni Job at dumistansiya sila ng kaunti.
"HOOOOOOYYYY!!! DITO!!! NANDITO AKO!!!" Sigaw ni Seaniel. Anong ginagawa niya?! Ba't niya tinatawag ang mga aswang? Kinakabahan ako sa balak niya. Hindi kaya nagparaya na siya para sa'min? Ano bang iniisp niya? Hindi ako mapalagay. Sana lang ay mali ang iniisip ko.
Narinig naming muli ang mga yabag ng tiyanak at ang tawa nitong parang sanggol.
Maya-maya pa ay sumugod ang tatlo at pinagbabato ang cyclops. Hindi ako mapalagay kaya't sinilip ko kung ano ba'ng pinaggagagawa nila. Ang mga sumunod ko nang nakita ay nakatago si Ybay sa isang puno habang pinagbabato ni Job at Migz ang cyclops na ngayon ay nasa lupa na. Si Seaniel at ang tiyanak naman ay hindi ko na makita kung nasaan na.
Nang maiMukhang binibitag ng dalawa ang cyclops papunta kay Ybay. Pagkasugod nito ay tumakbo ang dalawa kung saan banda nag-aabang si Ybay.
"Ybay!" Sigaw ni Job sabay sunggab si Ybay. Hindi ko masyadong makita pero narinig kong napasigaw ang cyclops. Ang sunod ko na lang na nakita ay may nakatarak sa mata (o gitna ng ulo) ng cyclops at bumagsak ito sa lupa.
"Job! Migz! Ybay!" Sigaw ko sa kanila. Sumenyas lang sila na OK na ang lahat. Pero nasan na ba si Seaniel?
"Sha!" Sigaw ni Seaniel sabay sumulpot na lang kung siya sa saan.
"Nasa'n na yung aswang?" Tanong ni Ramon.
"Naligaw na." Sagot nito. Hingal na hingal at puro galos ang braso.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Luz.
"Ito? Wala 'to. Mga galos lang dahil sumagi sa mga sanga ng halaman kanina." Sagot niya.
"Tara na! Niligaw ko lang yung halimaw kanina. Baka balikan tau nun!" Aya niya sa'min.
Nang maitayo na ni Ramon at TJ si Erna ay agad din kaming umalis. Masyadong madilim sa dinadaanan namin dahil napakaraming puno. Hindi ko na halos alam kung sino ba ang katabi ko.
"Malapit na mula dito. Deretso lang ang daan." Sabi ng isa.
"Ah, OK. Deretso lang guys!" Ang sabi ko.
Maya-maya pa ay nakita na namin ang labasan sa gubat na 'to at may tatlong van na din doon.
"Bilis! Malapit na tayo!" Sigaw ni Job. Nagmadali na kami papunta sa mga sasakyan. Bukas ang mga pinto nito at nakalagay na din ang mga susi sa susian.
"Umalis na tayo dito!" Pagmamadali ni Luz.
"Sandali! Hintayin muna natin yung iba." Pagpapapigil sa'min ni Migz. Sang-ayon din naman ako pero mas gusto ko na talagang umalis.
"Hintayin muna natin sila." Ang utos ko sa kanila. Napadilim sa labas at hindi ko na halos makita kung ano man ang nasa likod ng mga puno.
"Sino nga pala sa inyo yung nagsabi sa'kin na dito tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila at walang sumagot.
"Pa'no n'yo nalaman na dito tayo dapat pumunta?" Tanong ko ulit sa kanila. Napatingin sila sa'kin ng may pagtataka.
"Ikaw lang kaya ang sinusundan namin, sha." Sagot ni Seaniel.
"Hindi! May bumulong sa'kin kanina na dumeretso lang daw kaya sumunod na lang ako." Nagkatinginan muli sila at nang walang makasagot ay naglakihan ang mga mata nila.
"Guys, wag naman kayong ganyan. Ganito na nga sitwasyon natin nananakot pa kayo." Sabi ko sa kanila.
"Eh, Ate Sha, wala namang nakakaalam sa'tin kung nasaan na ba tayo, eh. Ngayon lang kaya tayo nakapunta dito." Sagot ni Angel.
Napaisip din ako. Tama nga naman si Angel. Wala naman kaming kaalam-alam sa lugar na 'to. Pero sino yung nagsabi sa'kin na dumeretso lang?
Muli kong nilingon ang bintana at sinubukang may makita kahit aninag ng kahit na sino o kahit na ano. Kamusta na kaya ang iba?
Thursday, March 31, 2011
|
|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Angelo Usman. Powered by Blogger.
2 Post Commet:
hmmm....
tahaha talagang kasama ako sa bilang ng mga babae eh no? lalaki naman ako ah? haha tsaka hindi ako matatakutin no >.< pero nice one moni :P
Post a Comment