A8 Series – Angkan II
Ikalawang kapitulo: Angkan II
“Jeerow!! Ang bagal naman, p’re.” Sigaw ni Jay. Nakahanda na silang maligo sa ilog kaya lang nagkulitan pa muna ang iba sa kanila kaya nagliligpit pa tuloy ako ng mga gamit ko. Pati ba naman ba kasi bag ko pinakialaman.
“Check n’yo muna maigi kung wala n kayong nakalimutan.” Ang paalala ni Kiko.
“Huy! Jeerow! Tara na p’re. Langoy na langoy na ‘ko, oh.” Muling Sigaw ni Jay.
“Tara na Jeerow. Mamaya mo na tapusin yan.” Ang aya sa’kin ni Kiko
“Sige na. Mauna na kayo. Sunod na lang ako pagkatapos ko dito.” Ang sabi ko sa kanila ng matapos na ang pangungulit ni Jay kaya’t inaya na lang sila ni Kiko na mauna nang bumaba sa ilog. Medyo natagalan din ako sa pagliligpit dahil itinago pa nila yung ibang mga gamit ko.
Habang nagliligpit ay may narinig akong mga nalalaglag na gamit sa itaas. Sa una’y naisip kong baka mga makukulit na bubwit lang ang mga iyon pero may naririnig din akong mga yabag at para bang inuurong niya ang mga gamit sa taas.
Medyo kinabahan ako at inisip kong pabayaan na lang ang mga naririnig ko pero naisip ko din na kung ibang tao iyon ay baka abangan nila kami pagbalik namin. Dahan-dahan kong inakyat ang bawat hakbang ng hagdan.
Mas malinaw ko nang naririnig ang mga yabag at sigurado na ‘kong may tao nga. Sobra ang kabang nararamdaman ko ngunit pinilit ko ang sarili ko at maingat kong sinilip ang pinto ng kwarto kung saan nanggagaling ang mga yabag.
“O Jeerow! Nandito ka pa?” Pagbati sa ‘kin ni Moni na may bitbit na mga nakabalot na kagamitan.
“Ano pa bang ginagawa mo dito Moni? Kanina ka pa namin inaantay, ah.” Ang tangi ko na lang nasabi sa kanya upang maitago ang gulat ko. Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa pinto kung kelan ako sumilip dito.
“Inaalis ko lang yung mga laman nung aparador dun. Mas malaki kasi yung kwarto dito kaya dito na lang siguro tayo matulog mamaya.” Paliwanag niya.
“Patulong naman. May maliit na kwarto dun banda sa dulo. Dun na lang natin itambak ‘tong mga to.” Pakiusap niya sa’kin.
Tinulungan ko na lang din siya dahil kaunti na lang naman yung ililipat. Parang mga lumang larawan ang dala ko at medyo natawanag nito ang aking pansin.
“Moni ano ba ‘tong mga to?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi ko nga alam, eh.” Ang sagot niya.
“Baka naman paintings to Moni. Kung saka-sakali baka pwede pa natin mabenta ‘to.” Ang pabiro kong sabi sa kanya.
“Oh? Tara silipin natin. Kaso wala din akong masyadong alam sa mga paintings, eh.” Sagot nya.
“Wala? Eh, ano ‘yung mga anime mo?” Tanong ko sa kanya.
“P’re iba naman ang painting at iba din ‘yung dinu-drawing ko.” Paliwanag niya.
“Ganun din ‘yon Moni.” Ang sabi ko.
“Ewan. Tena! Buksan natin!” Aya nya at agad na tinanggal ang balot nito.
Medyo natigilan kami nang tanggalin namin ang balot nito. Tumambad sa amin ang larawan ng isang magandang dalaga. Mahaba at itim ang buhok. Medyo may pagka mestisa at nakasuot ng saya. Kung titingnan ang pangangatawan niya ay tila nasa ikalabing-apat hanggang labing-anim na taong gulang pa lamang siya at kung titingnang maigi ay tila siya ay bulag dahil namumuti ang kanyang mga mata.
“Tara tingnan pa natin yung iba!” Aya ni Moni.
“’Wag na. Nag-aantay na sila sa’tin. Bilisan na lang natin dito para makaligo na din tayo.” Ang sabi ko.
Medyo natagalan din kami dahil ginawan pa namin ng paraan kung pa’no makakandado ang pinto.
“Moni parang bago pa yung kwadro kanina, ah.” Ang sabi ko sa kanya na medyo seryoso ang tono habang naglalakad kami.
“Sus! ‘Wag mo nang balakin. Matanda na yun ngayon panigurado. Matagal na kayang walang nakatira d’yan. At asa ka namang makikita mo pa siya kung saka-sakali.” Ang sagot niya. Tumahimik na lang ako na parang wala akong sinabi.
“Type mo? Type mo no?” Pangungulit niya sa’kin.
“Wala Moni. Kalimutan mo na lang.” Ang sabi ko para matigil na siya pero tuloy pa din ang pangungulit niya.
Hindi ko lang alam kung hindi niya lang talaga naintindihan ang pinupunto ko o nagkukunwari lang siyang hindi niya napapansin. Ang lahat ng bagay sa bahay na ‘yun… Parang may mali.
- To be continue by Moni
This chapter is dedicated to Tjhay for her bday.. by moni.. Ayieee.. harhar
Saturday, February 05, 2011
|
|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Angelo Usman. Powered by Blogger.
0 Post Commet:
Post a Comment