A8 Series – Atake III

Ikatlong Kapitulo: Atake
               
                Tirik na tirik ang araw ngunit hindi namin ramdam and init nito. Malamig kasi ang simoy ng hangin dahil na din siguro sa malinis na kapaligiran at napapaligiran pa kami ng maraming puno.
                “P’re! Magpapatilunod ako. Baka may sumagip sa’king engkantada ng ilog.” Ang sabi ni Jay.
                “Sige lang. Ilog tabang to, eh. Pagnamula yung tubig kung san ka nagpatilunod eh, huhulaan na lang namin kung pinuluputan ka ng sawa o nakain ka na ng buwaya.” Sigaw ni Moni.
                “Mali! Pagnamula ang tubig nakain yan ng buwaya. Pag hindi, nilulun na yan ng sawa.” Pagtatama ni Wendel.
                “Sus! Wag kayong makialam! Dadalhin niya ko sa kaharian nila.” Dugtong ni Jay.
                “Asus! Diwata ka na nga, eh. May padiwa-diwata ka pang nalalaman.” Sigaw ko sa kanya.
                “Ano si Jay gustong maging diwata?! Bading ka talaga Jay!” Sigaw ni Alvin.
                “Sinong bading? Jake, ano nga pala yung sinabi ni Alvin na syota niya?” Tanong ni Jay.
                “Syota mo…” Sabi ni Jake sabay tingin kay Alvin ng may nakakalokong ngiti.
                “Kapatid ng syota kong lalake. Bading!” Pagpapatuloy nito. Nagtawanan ang lahat at medyo natahimik si Alvin. Paniguradong nag-iisip ng pambawi kay Jay.
                “Alvin syota mo lalake?” Tanong ni Erna sabay tawanan ang grupo nila.
                “Huy! Kayo naman… Kawawa naman si Alvin. Alam niyo na nga na lalake ang hilig niya, eh.” Sabi ni Sharon sabay appear kay Ramon.
                “Hindi ka tunay na lalake, Jay! Ang tunay na lalake, tunay na babae lang din ang hilig! Hindi yung mga galing sa pambatang kwento!” Kumento ni Wendel.
Tuloy lang din ang pangangantiyaw kay Jay dahil na di sa kung anu-anong pinagsasabi nito. Lalo pang gumugulo dahil na din sa mga naiisip gawin nina Jek-jek at Bryan.
“Aww! Pu-!” Nagulat na lang ako nang bigla na lang may nambasa sa’kin.
“Jeerow! Ligo na!” Sigaw ni Moni sabay wasiwas ng kamay sa tubig para mambasa. Dahil basa na din naman ako, iniwan ko na lang muna kina Angel at Luz ang iniihaw ko at naligo na din.
Tamang kasiyahan lang naman. Tamang inuman, madaming pagkain at puro tawanan. Nang palubog na ang araw nagsimula na kaming magligpit ng gamit at bumaik sa bahay.
“Moni , anong klaseng aswang ba ang angkan niyo?” Tanong ni Kiko kay Moni habang naglalakad kami pabalik.
“Ha! Interesado ka Okik?” Tanong ni Wendel.
“Nagtatanong lang, di ba?” Sagot ni Kiko.
“Pero Moni anong nga bang aswang kayo? Manananggal? Tikbalang?” Tanong ni Arvi.
“Tikbalang? Si Alvin un!” Sigaw ni Jek-jek. Nagtawanan ang iba.
“Anong ako?! Si Jay yun!” Sagot ni Alvin.
“Diyosa nga si Jay.” Sabi ko.
“Ikaw Jeerow tinitira mo ‘ko, ah. Di na tayo magkaibigan!” Sigaw ni Jay. Napangiti na lang ako at nagpatuloy maglakad.
“Ano Moni? Anong aswang ka ba?” Tanong ni Sharlene sabay tawa ng konti.
“Zombie! Tingnan mo maglakad.” Sagot ni Jake. Sabay ngiti kay Moni.
“Hindi ko din alam kung anong tawag, eh. Wala pa nga daw nakakakita ng itsura nila. Wala din naman daw kasing gustong lumapit kasi mas mataas pa sila sa bundok kapag nasa tunay nilang anyo. Tapos parang aninong bigla na lang lulubog at lilitaw sa lupa kung kumilos at di mo mamamalayang nakuha ka na nila. Ang pagkakasabi pa nga sa’kin sila yung pinuno ng mga aswang dito. Pero tulad pa din ng ibang aswang nakikisalamuha sila sa tao sa pagpapanggap din bilang mga tao.” Pagpapaliwanag ni Moni.
“Hayop. Bale ikaw yung zombie general?” Tanong ni Wendel. Muling nagtawanan ang iba sa’min.
“Adik. Ang masama pa nu’n wala silang pinipiling oras umatake. Halimbawa pagtanghali, inabot sila ng gutom at ikaw ang nakasalubong nila sa daan, bigla na lang kayong mawawala. At kung may mkakapansin man sa inyo, ang masasabi na lang nila ay biglang may dumaang parang anino at bigla na lang naglaho ang nadaanan nito.” Pagpapatuloy ni Moni at saktong malapit na din kami sa bahay.
Pagdating namin ay inayos na muna namin ang mga ginamit namin sa pagligo at nagtuloy sa kusina upang maghanda ng pagkain. Yung iba naman ay naupo sa sofa o kaya nama’y nagantay na sa hapag-kainan.
Pagkatapos kumain ay nagsipaghanda na kaming matulog. Hiwalay ang kwarto ng lalake at babae syempre. Pagkatapos mag-ayos, deretso tulog agad ang iba dahil na din siguro sa pagod.
Maghahating gabi na ng muli akong magising. Sinubukan kong matulog ulit ngunit hindi talaga ako dinaratnan ng antok. Minabuti ko na lang na uminom muna ng tubig. Walang refrigerator pero ok lang kasi lumamig na din ang tubig sa lamig ng temperatura sa bahay. Parang lbre aircon na din.
Pagdating ko sa hagdan ay parang may nasulyapan ako sa bintana na kumikilos ngunit ng tingnan ko ng maigi ay wala naman. Tumuloy na ‘ko sa pagkuha ng tubig at umakyat pagkatapos. Nakasalubong ko pa si Migz sa pinto na pilit kinakapa ang switch ng emergency lamp na dinala niya. Baka kukuha din siya nang maiinom.
“O Migz! Hindi ka din makatulog?”
“Hindi p’re. Tawag lang ng kalikasan.” Ang sagot niya.
“Sa’n ba kasi yung switch nito?” Tanong pa niya. Tinulungan ko na din siya maghanap ng switch at kumalat ang liwanag nito sa kwarto.
“Yun pare! Salamat. Jeerow? Uy! Anong nangyari?” Tanong niya. Nagulat ako pagkabukas ng ilaw. May tao sa bintana! Maitim ang kulay ng balat n’ya at parang balot ang katawan niya ng langis. Nakapangingilabot ang mukha niya lalong-lalo na ang mapupula niyang mga mata.
Agad siyang humarap sa amin at humiyaw na parang kinakatay na baboy.
“Migz!” Ang tangi ko naisigaw nang makita kong humaba bigla ang galamay nito. Madali kong inilag si Migz pero nahagip ang suot niyang jacket.
“Jeerow!!” Sigaw ni Migz habang sinusubukang alisin ang pagkakaipit sa kanya ng aswang (dahil yon lang sila lang naman ang maiisip kong makakagawa ng mga ganitong bagay).
Agad din nagising ang iba dahil na din sa sigaw ng aswang. Kanya-kanyang gulat ang bawat isa ng makita ang aswang at ang sitwasyon namin ni Migz.
“Tulong!” Ang tangi kong nasigaw sa kanila habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng aswang kay Migz.
“Tanggalin mo yung jacket mo Migz!” Sigaw ni Wendel.
“Ayaw matanggal! Sumikip!” Sigaw nya. Naipit kasi ng aswang sa bandang siko ang jacket ni Migz kaya’t sumikip ang parteng yon.
“BUMITAW KA!!” Sigaw ni Ybay sabay hampas ng bangko sa braso ng aswang. Medyo lumuwag ang hawak nito.
“ETO PA!!” Sigaw ni Jekjek sabay hampas ng bangko sa mukha ng aswang. Tulutyang lumuwag ang kapit nito at agad ding hinubad ni Migz ang jacket niya.
“AAAAAAAAAHHHHHH!!!” Tili ng mga babae sa kabila.
“SHARLENE!!!” Sigaw ni Kiko at nagmamadaling tumakbo sa kabilang kwarto na sinundan naman ni Arvi. Buti na nga lang at may bakal na harang ang bintana kundi siguradong pinasok na agad kami ng aswang.
“Bilis! Puntahan agad natin yung iba tapos umalis na tayo dito!” Sigaw ko. Agad naman kaming lumabas.
“AAAAHHH! Putek!” Sigaw ni Seng. Nagawa pang kalmutin ng aswang ang binti ni Seng. Agad naman siyang tinulungan ni Otep tumayo at lumabas ng kwarto.
Pagdating namin sa kabilang kwarto ay halos pareho din ng sitwasyon. Buti na nga lang at walang nahuli sa kanila.
“Bilis! Umalis na tayo dito!” Sigaw ko sa kanila. Agad namang nagbabaan ng bahay ang iba sa amin. Nang makarating na ang lahat sa baba ay sabay-sabay kaming nagtakbuhan palabas.
Nang makalayo ng kaunti ay nagpahinga muna kami saglit para magpahinga.
“*Hingal x3* Ano ba *Hingal x2* yung mga yun?” Tanong ni Erg.
“Wala akong *Hingal x2* pakialam kung ano *Hingal x2* man yun mga yon! *Hingal x3* Umalis na tayo dito!” Sagot ni Arvi.
Sang-ayon ako sa desisyon ni Arvi. Sigurado namang sang-ayon din ang iba. Paalis na dapat kami ng may mapansin pa ulit ako.
“Teka… Asan si Moni?” Tanong ko sa kanila. Nagtinginan ang bawat isa at walang alam kung nasaan nga ba si Moni. Nang subukan kong alalahanin, wala na si Moni simula pa ng magkagulo kami sa bahay!
“P’re… Hindi naman kaya…” Pambasag ni Jay sa katahimikan. Ayaw ko mang tanggapin ngunit siya din naman kasi ang nagdala sa’min dito.
“O! Anong ginagawa niyo dito?” Nagulat na lang kami ng biglang lumitaw si Moni sa kung saan. Hirap magsalita ang lahat at nag-aabang ng maigi sa kung anong pwedeng mangyari.
“Moni? San ka… Nangaling?” Tanong ni Erg.
“Kumuha lang ako ng tubig sa ilog. Naubos kasi yung tubig sa banyo. Kelangan ko kasing gumamit, eh.” Paliwanag ni Moni. Kita naming may dala nga siyang timba ng tubig pero sapat nab a itong patunay upang hindi naming siya panghinalaan?
“Ano bang nangyayari sa inyo? Para kayong nakakita ng aswang?” Pabirong tanong nito sa’min.
“OO PARE!! Nakakita nga kami! Alam mo-!”
“Saglit lang Jay. Moni… Aswang ka ba?” Putol ni Arvi sa gustong sabihin ni Jay.
“Aswang? Putek naman. Naniniwala ba talaga kayo dun?” Sagot ni Moni.
“Moni! Seryoso ako! Aswang ka nga ba?” Muling tanong ni Arvi na medyo malakas ang tono.
“Seryoso din ako. Ang tatanda niyo na nagpapadala pa kayo sa mga ganyang kwento.” Sagot ni Moni na medyo nang-aasar ang tono.
“Moni… Nakakita talaga kami ng aswang! Kung pwede lang sumagot ka ng maayos dahil pinaghihinalaan ka talaga naming.” Muling pakiusap ni Arvi at halatang nanggigigil na kay Moni.
“Tigilan niyo ko, ah. Baka hindi ako matulog nito. Wala namang aswang! Ano ba kayo?” Sagot ni Moni.
“Wala? Wala nga ba? Eh, pano mo ipapaliwanag yang nasa likuran mo?!” Sigaw ni Wendel sabay turo sa bandang likuran ni Moni. Lumingon agad si Moni sa kanyang likuran at sigurado akong pareho lang kami ng nakikita.
May nakatayong tikbalang sa likuran nya. Doble ito ng taas niya at napaka laki ng panganga tawan. Humiyaw ito sabay nagpalit ng anyo bilang isang malaking kabayo at dali-dali kaming sinugod. Mabuti na lang at nakaalis kami sa daan.
Napatakbo at nagkahiwa-hiwalay kami ng daan. Hindi din naman kami sinubukang atakihin ng derekta ng tikbalang. Balak lang niya ‘ata kaming iligaw at paghiwa-hiwalayin upang makuha nila kami isa-isa. Mukhang napasama pa ‘ata ang pag-aya ko sa kanila sa paglabas ng bahay. Sana’y maging maayos ang bawat isa.

Itutuloy…

0 Post Commet:

Post a Comment

Angelo Usman. Powered by Blogger.

Total Pageviews

Followers

Blog Archive

Personal - Top Blogs Philippines